"FOOD IS LIFE." Iyon ang motto ni Patricia sa buhay. Aside sa family niya, pangalawa ang pagkain sa pinakamamahal niya sa mundo. Aware naman siya sa timbang niya. Ang problema, paano siya makakahanap ng boyfriend kung ganito ang hitsura niya? Naniniwala siyang kaya never siyang nagkaroon ng nobyo ay dahil sa hitsura niya. Karamihan sa kanilang school na kalalakihan ang mga tipo ay mga sexy at magaganda. Kahit nga ganda ay wala siya. Paano na iyan? Pero nabuhayan siya ng pag-asa when Avraham came to her life. Ito na ba ang pangatlo sa listahan ng pinakamamahal niya sa mundo? O baka naman mabait nga pero paasa lang ito? Pero bakit umi-epal itong si Lyndon?