Sa matagal na pagkakahimbing ay muli kong ibinabalik ang aking pinaka-unang akda na aking ginawa para sa isang patimpalak noong kasali pa ako sa isang 'text clan'. Ito ay ang nanalo sa nasabing patimpalak. Sinimulan ko itong isulat noong Pebrero ng taong 2015. Sa parehong taon sa buwan ng Abril ay akin itong isinapubliko rito sa Wattpad na kaagad ko ring binura dahil sa walang mambabasa. Sa bersyong ito ay may karampot akong ibinawas at marami ang aking idinagdag upang mas malagyan ng kulay at ngiti ang inyong mga naninilaw na ngipin at punit na labi. Paalala sa mga magtatangkang magbasa, na ito ay aking ginawa noong panahong mas mura at hilaw pa ang utak at edad. Hindi na tayo magpapatumpik-tumpik pa. Inaanyayahan ko kayong magbasa. Padayon. (May mga akda rin akong tula na matatagpuan sa aking 'Facebook Account' na 'Et Ong')
5 parts