"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal."
Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony.
Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal.
Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan.
"Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!"
Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa.
At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony.
Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.
"Lagi kong hinihiling na pansinin mo rin ako para masabi ko sa 'yo na pangarap kita noon pa."
Yumi wanted to hate her parents dahil sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa anak ng dating kapitbahay nilang si "Choy," short for "tabachoy." Hindi niya ma-imagine ang sarili niya na magiging asawa niya ang isang lumbalumbang binata dahil masasayang lang ang kagandahan niya.
But things changed, dahil bigla na lang nagkagulo ang hormones niya nang magkita uli sila ni Choy na mas kilala na ngayong "Louie." He had changed a lot. Hindi lang ito guwapo kundi ubod pa ng macho. Naglaho ang mga dramang pinlano niya para huwag matuloy ang kasunduan ng mga magulang nila. All her heart wanted was to be with him.