Ako si Everdeent, mahilig akong gumawa ng mga kwento tungkol sa mga multo, halimaw, at malala aswang. Lagi kong tinatakot ang nakababata kong kapatid na si Luke. Napakasaya ko pag nanginginig na siya at halos maiyak pag nag susumbong n siya kay Mama. Dumating ang pasukan at pati mga kaklase ko, tinatakot ko at kinikwentuhan ng mga kababalaghan. Pero nakukuha ng bago kong kaklase ang aking atensyon. Kakaiba siya lagi kong kinikwento sa iba na may lahi siyang aswang. Siguro dahil na din sa may gusto ako sakanya kaya lagi ko siyang binibiro. Halos lahat ng mga babae sa room pati sa ibang section, may gusto din sakanya. Pero, dumating ang isang gabi, natuklasan ko ang isang nakakakilabot na katotohanang ang pamilya ni Dave ay mga aswang! Pero pangit namang sabihin ko ang wakas sa umpisahan di ba? haha. Kaya mag umpisa tayo noong summer vacation ng May. comment,vote, wag kalimutan. haha