Bata palang si Alexandra ay pansin na ng mga tao ang pagiging matigasin nito. Imbis na makipag laro sa kapwa niya babae ay mas pinipili nitong makipag laro sa mga sigang batang lalaki na ka-edaran nya. Nang mag high school si Alex ay dun na nag simula ang pagiging tibo niya. Sikat siya at ang mga kaibigan niya sa skwelahan nila dahil sa dami na ng naging ka relasyon niya na babae. Ngunit biglang nag bago ang timpla niya ng biglang dumating sa buhay niya si Lucas. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay niya na ngayon ay nakilala niya na ang lalaking nag papabuhay ng pagkababae niya. Tungahayan ang pag-babagong magaganap sa buhay ni Alexandra Castor na isang BEAUTIFUL TIBO.