"The best things in life are the unexpected ones."
Si Rose Andres at si Michael Bernardo.
Dalawang tao, magkakaibang mundo. Magkakaibang personalidad, iisang kwento.
Si Rose ay ang tipikal na mabait, mahinhin at tahimik na babae na matatagpuan sa bawat high school. Hilig niya ang pagtugtog ng gitara. Inilalaan nya ang lahat ng kanyang oras dito na wala na syang panahon para magsaya kasama ang kanyang mga kaibigan o magka boyfriend man lang. Ngunit para kay Rose, okay lang ito sa kanya dahil sapat na ang kanyang gitara.
Sa kabilang dako, si Michael naman ay ang kabaligtaran ni Rose. Siya ay isang party-goer. Mahilig syang pumunta sa mga bars para magsaya. Ngunit imbis na uminom at magpakalasing o di kaya ay sumayaw sa dance floor, siya ay makikita sa likod ng drums set na nagtutugtog kasama ang kanyang banda.
Hindi magkakakilala ang dalawang ito ngunit ng dahil sa isang maswerteng pagkakataon, ang kanilang mga mundo ay pinagtagpo, ipagtatagpo ng musika.
Nang dahil kay Michael matututunan ni Rose na magingay, magsaya at lumabas sa kanyang comfort zone. At ng dahil naman kay Rose, matututunan ni Michael na hindi niya kailangan lumayo upang makahanap ng kaligayahan at pag-ibig. Malalaman nya na kailangan lamang nating lumingon sa ating kapiling upang maging tunay na masaya.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.