Isa akong bayarang tao. Hindi yon tulad ng iniisip mo, pero sin sama nila ako. binabayaran ako para pumatay ng inosenteng tao, kung sino ang mayaman, nag aari ng malalaking lupa at ari-arian mga ganong tao ang pinapatay namin, pero syempre kailangan munang maipamana samin yung kayamanan nila bago namin sila patayin. dumadaan sa masusing pag paplano bago dumeretso sa target. pano kapag pumalpak? papalpak din ang buhay mo sa paggulong, sa madaling salita mamatay ka. kaya nga minsan takot din akong tumanggap ng mission lalo na kapag dehado dahil ilang miyembro na dito ang nakatikim, at ayoko tumulad sa kanilang hindi nagdidesisyon ng maayos bago tumanngap ng trabaho, bara lang sila ng bara di nagiisip kung mananalo ba o dedehado, basta lang malaking pera, pinapasok. minsan nga nang tumanggap ako ng trabaho, matandang babae ang target ko, napakadali ng trabahong yun dahil matanda na nga madaling makalimot, ang kaso lang... ang laking hirap ko ay ang tawag ng katawan nya.. halos gabi-gabi kung humiling sya.. nakakasuka anak ng! ayoko nang alalahanin! kadiri!! -- hayyss ako ang first option dito sa lugar nato o grupo namin dahil ni minsan di pa ako sumasabit.. sa kahit na anong paraan, Hindi pa. sa akin dumadaan lahat ng uri ng mission ako ang unang nakakakita at pumipili ng target ko, pero silang mas nakatataas ang nag paplano ng magiging mundo ko kasama ang target ko. Now that you know me... do you have enough money to be with me?