Madalas na malunod tayo sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao. Mahirap alisin agad sa buhay mo, dahil malapit na sa puso mo. Mahirap kalimutan kaagad dahil minahal mo na ng todo. Pero posible bang.. ..dahil lang sa pangalan; minahal mo na? Ang sabi niya pa nga, "Noel ba ang pangalan mo? Mag date tayo!! Gusto na kita!!" Posibleng ma-attract dahil gwapo ang itsura ng isang tao.. Ngunit, imposibleng ma-attract dahil lang sa pangalan nito. Normal nga ba siya? Well, gan'yan si Gab. Meet the weirdest person in the face of the earth, Gabrielle Raine Ramirez.