"What is it like being the tutor of Shaun Xavier Montecarlos, the most famous bad boy in town?" Para sa iba, dream come true kung mangyari man ito, ang maging tutor ng lalaking pinaka-tinitilian sa buong campus. Pero para sa isang nerd na si Heart, impyerno ang buhay ng pagiging tutor kay Shaun dahil sa mala-demonyo nitong ugali. Pero sabi nga diba, "love moves in mysterious ways". Paano kung sa gitna ng aso't pusa nilang pagsasama ay hindi nila namalayang nahulog na pala ang isa sa kanila.