Hindi makalimutan ni Jerome Dela Fuerte ang nag iisang babaeng nakabihag ng kaniyang puso na siya rin namang dahilan ng pagkasira at pagkawasak nito. Hindi niya lubos maisip o ni sumagi sa kaniyang guni-guni na makakasama niyang muli si Arondale Hernandez ng ilang saglit dahil kahit isipin niya pa lang ay baka hindi na niya kayanin. Paano pa kaya kung isang linggong bakasyon para sa kasal ng pareho nilang kaibigan? Muli kayang magbabalik ang naudlot nilang pag iibigan? O hahayaan na lamang na mawala ng lubusan? Date Started: November 20, 2017All Rights Reserved