Napakalupit ng mundo. Hindi ko inakalang ganito pala kalupit ang mundo. Sana hindi nalang ako nabuhay. Pero sa kabila ng matinding pait na hatid ng mga pagsubok ng buhay, makakatikim din pala ako ng tamis. Matamis na pagtrato. Matamis na pagmamahal. Na sa isang tao ko lang natikman. Sa nag-iisang taong ako din pala ang dahilan ng kanyang kapahamakan. Paano na? Pwede kayang ipilit? Kung pwede, magtatagal kaya ang tamis na natikman ko? O tulad lang din ng isang tsokolate, na kahit gaano pa katamis, kapag napabayaan ay maeexpired lang din? At kapag naexpired, mawawala din ang tamis nito . . . . . . . . . . . . . panghabambuhay? .genesis