55 parts Complete Isang easy-go-lucky, playboy at walang plano sa buhay na anak ng isang business tycoon sa Germany si Jake Smith. Isa lang naman ang pangarap niya - ang maging piloto. Ngunit hindi ito ang kinabukasang nakikita ng ama niya para sa kanya. Ang ama niya ang palaging nasusunod sa lahat ng bagay kaya kinuha niya ang kursong Marketing kahit labag ito sa kanyang kalooban. Isang mapagmahal, masunurin at mabait na anak si Jake, ngunit gusto niyang patunayan sa kanyang ama na kaya niyang tumayo sa sariling mga paa at magdesisyon para sa sarili. At isang paraan lang ang alam niya para mapansin ng ama - ang mag rebelde.
Para tumino ito ay pinadala siya ng ina sa bahay bakasyunan nila sa isang probinsya sa Pilipinas. Ngunit sa kasamaang palad, bago pa man ito makarating sa bahay bakasyunan ng lolo at lola niya ay naaksidente ang sasakyan nila. Ito ang dahilan ng pagkabulag ni Jake.
Makikilala niya naman ang isang probinsyanang nurse na si Diane. Unang trabaho ito ni Diane kaya kahit na suplado, mayabang, at masama ang ugali ang pagkakakilala niya sa amo ay pagtitiyagaan niya ito.
Will the heart know what the eyes can't see?