Si SAIRAH GUILLERMO ay isang dalaga na taga probinsiya at ang kanilang lugar ay sobrang liblib talaga. isa din siya sa mga fan ng K-DRAMA at simula nun wala siyang ibang hiling na sana isang araw magkaroon din siya ng FOREVER katulad ng mga napapanood niya sa koreanovela. mukhang dininig ata ng TADHANA ang inaasam niya dahil isang araw nalang, may natagpuan siyang lalaking walang malay sa isang ilog malapit sa kanila at shucks doon palang na-inlababey na siya dahil sa angking kaguwapuhan ng binata. dinala niya saglit ang lalaki sa bahay nila dahil sa lakas ng ulan at maya maya nang magising ito. sa hindi din niya inaasahan ang guwapong tsinitong binata pala ay may AMNESIA! hindi alam ni SAIRAH kung ano ang kaniyang gagawin? hanggang sa natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na nagpapanggap bilang asawa ng binatang nagngangalan palang MINHO TAN.