Ano ba ang tadhana? Naniniwala ka ba sa tadhana? Aware ka ba sa maaaring gawin nito? Aware ka ba sa kaya niyang gawin? Alam niyo ba na ang tadhana o destiny ay maraming kahulugan. Mababaw man o malalim na interpretasyon, iisa lang ang tinutumbok nito. Ang tadhana ang may hawak sa buhay ng tao at sa hinaharap nito. May kakayahan ito na hindi kayang kontrolin ng tao. Kahanga-hanga ang tadhana. Kahanga-hanga't nakakatuwa. Pero minsan nakakainis, nakakadismaya at nakakagalit naman ito. May kalokohan at sadyang mapagbiro. Maaari kang masaktan sa mga biro niyo pero lingid sa iyong kaalaman na pagsubok niya lang pala ito. Yung tipong pag-tri-tripan ka niya sa una pero biglang magkakaroon ng twist sa huli. Twist na hindi mo inaasahan! Maraming kalokohan ang tadhana. Likas at natural na pilyo. Baka sa susunod sa sobrang pagka-pilyo nito pati aso't pusa mapaglapit niya , baka sa kalabaw, kuneho sa daga, tigre sa leon, langaw sa ipis, bubuyog sa paru-paro atbp. Yung tipong lalagyan niya ng "spark" ang isa't-isa. Pero dahil pilyo ito, kaya niyang mapag-laruan ang dalawang taong naliligaw o hindi mahanap ang sarili nila, hindi kilala ang sarili nila at nagbubulagbulagan lamang sa kung ano talaga sila. Destiny has a Power Destiny is Playful Destiny is Mischievous