Ako ay si Vlaire Que, isa akong simpleng dalaga, normal na buhay kung tawagin ang aking kinagisnan pero mula noong dumating ang araw na makilala ko si Kaigen Julian, barkada ng matalik kong kaibigan, ay naalog ang mundo ko. May mga kapwa siguro natin na naranasan nang umiyak, naging masaya sa piling ng kani-kanilang minamahal. Minsan kailangan mong magparaya para lang sa kaligayahan ng iba, pero kakayanin ko ba? Minsan kailangan mo ding bumitaw para hindi siya mapahamak, pero may pangako kayong walang iwanan kahit anong mangyari. Bibitaw ka pa ba? Higit sa lahat, kailangan mong lumaban at tumayo sa sarili mong paa. Minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit pa ako ipinanganak at masaktan ng paulit-ulit. Hanggang sa dumating ang araw na aking kinakatakutan. . .All Rights Reserved
1 part