Mula sa mga mata ko ay lumipat sa pinto ang tingin ni Jeff.
"Bakit sumama ka pa,Siana? Gusto mo ba talagang mapahamak?"
Napasigaw na lang ako sa gulat nang marinig ko ang tunog ng pinto.Pagkaharap ko ay sarado na ito.Ilang segundo ako napatulala.Haunted Mansion kaya ang bahay na ito?Nagulat na lang ako ng wala na si Jeff sa kanyang kinatatayuan.!
"Jeff"kinakabahang tawag ko.
Hinanap ko siya sa apat na sulok ng bahay na ito ngunit kahit anino niya ay hindi ko makita.Asan na siya?Napakadilim dito sa loob dahil nakababa lahat ang mga kurtina,nakasarado ang pinto at mga bintana,at lahat ng upuan ay itim...Pakiramdam ko ay bahay ito ng taong sanay na sanay sa madidilim na lugar..Kulang na lang ay kabaong para magmukhang nasa Dracula movie ako...
"Wala namang takutan,o"pilit kong pinagagaan ang boses ko.
"Jeff?"tinakbo ko na ang switch ng ilaw at pinindot yun ngunit hindi ito sumindi..nadagdagan ang tensyon at kaba na aking naramdaman ng oras na iyon.
Napasandal na lang ako sa dingding.Nagsimula ng mamuo ang takot sa aking dibdib.Nagbalik lang ang aking pakiramdam dahil tila may matang nakamasid sa akin.
NAGKAMALI BA SIYANG PAGKATIWALAAN SI JEFF?MAY IBA PA BANG TAO DOON NA NAGHIHINTAY SA KANYA AT DINALA LANG SIYA NI JEFF DOON PARA IPAHAMAK?LET SEE!!!