I Stayed but He grew Tired (WHEN WE WERE JUNIORS SERIES #3)
42 bab Lengkap "Kaya mong mawalan ng anak para lang manatili ako sa tabi mo?"
"Hindi... Pero kailangan dahil mahal kita e."
Noong nakilala ko ang tao na bibihag sa aking puso ay doon naman kami hindi naging maayos ng kaibigan ko na si Autumn.
Ako si Jamaica Shane H. Danan, lumaki ako sa isang pamilya ngunit hindi ko masasabi na masayang pamilya. Dahil araw-araw kong nakikita kung paano mag away ang aking mga magulang. Sa kabila ng lahat ay nandoon ang kaibigan ko na si Lei, he is my childhood best friend.
Wala akong kamalay-malay na higit pa kaibigan ang nararamdaman niya sa akin, hindi ko intensyon na masaktan ko ang kanyang damdamin.
Sean Joseph N. Valeroso, my first love and my first heartbreak. Nang maghiwalay ang mga magulang ko ay siya ang naging karamay ko, siya ang kasama ko sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Ngunit hindi ko alam na anak pala siya ng tao na sumira ng pamilya namin.