Bata pa lang ay ulila na si Mikko. Pagkatapos mabuntis ang ina ay iniwan ito ng kanyang amang Koreano. Siyam na taon ay namatay naman sa aksidente ang kanyang ina. Napunta siya sa isang pamilya na hindi niya kadugo na ang buhay ay isang kahig, isang tuka.
Sa murang isip at murang edad ay marami na siyang napagdaanan. Hindi niya nasubukan ang mamuhay ng normal bilang bata. Naging madamot sa kanya ang mundo. Ngunit sa kabila nito, nabiyayaan naman siya ng mapagmahal na mga tao na handa siyang alagaan at protektahan.
Pero ang buhay sa mundo ay parang isang malaking palaruan. Maglaro ka man ng patas o hindi, susubukin man kung hanggang saan ang kaya mo, kailangan mo pa ring maglaro upang manalo. Sa laro ng buhay ay bawal ang mga mahihina. Kapag pinairal mo ang iyong kahinaan, siguradong katapusan na para sayo.
Sinubukan man ni Mikko ang lumaban, sa huli, kahit anong gawin niya ay palagi siyang umuuwing talunan. Kahit ilang beses na siyang bumabangon, pagkadapa pa rin ang nagiging resulta ng lahat.
Pagkaitan man ng lahat, hindi nawawala para kay Mikko ang salitang katatagan. Kahit anong hamon ay kinakaya niyang harapin kahit halos sumuko na siya. Palagi niyang iniisip na kapag susuko siya, sa huli ay magiging talunan siya at ayaw niyang mangayari 'yon kahit patuloy siyang sirain ng isang instrumento na ginamit ng mundo upang subukin siya.
Siya si Yvo Rain Jontaciergo. Ang taong susubok sa katatagan niya. Ang taong walang konsensyang natitira sa katawan. The assh*le and the heartless jerk he ever met in his entire life.
***
Date started: January 09, 2018
Date finished: (On-going)
Nadia de Marco knew what she wanted in life and that is to be the most powerful woman in the country. Growing up in the Philippines, she knew that it would be an uphill climb. There is misogyny everywhere, but instead of fighting it, she decided to use it to her advantage. That is probably the upside of being undermined, being almost invisible-people will never see you coming. While she was watching everyone's moves, no one was watching hers.
Things were going according to plan until Avery Brienne Eliseo came into the picture.
Suddenly, she got an enemy. And unlike Avery who has her cousin by her side, she has no one.
And she needs to have someone.
She's been looking for so long until she found Archibald Reign Gallego-the perfect partner in crime... or so she thought.