... Kasama ko si Stella habang naglalakad kami papuntang gate para makauwi na dahil nakakainis yung araw na'to. "Hey! Miss Hard to Get" narinig kong may sumigaw mula sa likuran ko at napabuntong hininga na lang ako nang marealize ko kung sino yun. "Ano na naman ba kailangan mo? Mr. Playboy/Badboy" tanong ko sabay cross arms. "Pumayag ka na kasing makipag-date sakin" sabi nya ng derestso at nakatitig sa mata ko. "No" naglakad na ako paderetso pero bago pa ako makalagpas sakanya, nahila nya ako pabalik. "After this, I promise na hindi na kita kukulitin" sabi nya at bigla akong napa-isip. "Okay" sagot ko at napakalawak na ngiti ang gumuhit sa labi nya. "Susunduin kita mamayang 7 sharp" sabi nya at naglakad na palayo. ...
12 parts