"Bakit 'di mo nalang sabihin na gusto mo siya? Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na maging ganito dahil lang sa tao na wala naman alam sa nararamdaman mo?" seryoso niyang sabi saken. Dahil sa mga sinabi niya pati ako ay napatanong na rin sa sarili ko Bakit nga ba di ko inamin ang nararandaman ko sa kaniya? Ang totoo niyan kaya ko naman aminin ang nararandaman ko, pero 'di ko ginawa. Hindi, mas pinili ko na hindi gawin kasi alam ko na wala rin naman patutunguhan. Wala ako naging sagot, tanging isip ko lang ang nakaka-alam ng sagot sa tanong niya. Wala ko nagawa kundi umiyak nalang dahil sa katangahan ko. "Hindi na kita hihingian ng sagot sa tanong ko. Hahayaan nalang kita na umiyak ng umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo. Pero tandaan mo, maraming mga tao na nasa tabi mo. Hindi lang siya anne. Kaya please pansinin mo rin ang mga nasa paligid mo." pagkasabi niya non ay niyakap niya ko at tinapik tapik ang likod ko.