Naranasan niyo na po ba yung pakiramdam na may gusto ka. Oo, yung mga gamit hindi yung tao. Gusto ko talaga ng mansion, yung sarili ko kung baga ang may-ari. Pero paano nalang may nakita akong may-ari at hindi siya nabubuhay. O sa madaling salita, 'multo'. At dumating yung panahon na magpapatulong siya sa akin at yun nga tinulungan ko. Pero paano nalang kung makalimot siya pagdating ng araw na gising na siya. Ano kayang nararamdaman ko sa kanya? O may naramdaman ba akong kakaiba sa kanya? Maiiwasan ko ba ito?