Pangarap ni Alina na maipagpatuloy ang college degree kaya laking pasasalamat na lang niya nang gawin siyang scholar ng kanyang amo. Labis ang kagalakan niya dahil makakabalik na rin siya sa university kung saan nagtuturo ang first love niyang si June. Ibig sabihin, makakapag-aral siya with inspiration at magagawa niyang mapalapit muli rito. Pero laking gulat na lang niya nang sabihan siya ng kanyang amo na hindi siya puwedeng magkaroon ng boyfriend at may magbabantay sa kanya, si Ricky na stepbrother ng boss niyang si Randell. But the real thing is, she hated Ricky since they first met dahil tingin niya ay napakaarogante nito at itsura lang ang maipagmamalaki.