Sabi ni Lola kakaiba daw ang mata ko.Napakaganda daw nito.Pero para saakin ito ay nakakatakot.Dahil magkaiba ang kulay ng mata ko ang isa ay sky blue ang isa naman ay purple.Kinailangan ko tuloy magsuot ng contact lens araw-araw.Pero hindi lang iyon ang kakaiba saakin pati ang tatto sa bewang ko.Ito ay paro-paro na napakamakulay.Pero ang nakakapagtaka dito ay mula ng sanggol ako ay meron na ako nito at wari'y nagbabago ito ng kulay.Halimbawa nagagalit ako ito ay magiging kulay dark blue kapag naman masaya ay iba't-iba na ang kulay para pang lumiliwanag.Haaaay kailan ba mababago ang buhay ko.