Nagsimula ang lahat nung nanonood ako ng MTV kasi hinahantay ko yung mga music video ni Justin Bieber. Kaso iba pa yung program, kaya pinanood ko muna. Di ko sila kilala at pinagtatawanan ko sila dahil ang babaduy nila. Hindi ko pa naiintindihan yung sinasabi nila. Ang pangit pa ng pronunciation ng English nila tapos ang lalambot ng katawan, akala mo bading. Pero one day, bigla na lang nagbago ang lahat. Naghu-hum na ako along with the song, nakikisayaw na din ako at na-LSS ako most of the time. Ewan ko ba kung bakit pero, unti-unti na rin akong nagwagwapuhan sa kanila. Hanggang sa kinabaliwan ko na sila. Wanna know my fangirl story?