Sunod-sunod na naman ang pagpatay sa bayan ng Ninurta, isang malagong lungsod sa tabi ng dagat ng Leviatan. Ilang taon na ang nakakalipas nang muling maganap ang ganitong pangyayari ngunit ni isa sa kanila ay walang sagot kung bakit. Isang grupo ng mga kabataan ang kasalukuyang nasa research para sa kanilang thesis ay napadpad sa lungsod ng Ninurta. Hindi nila inaakalang may ganito pa pala kalumang lungsod sa lugar na iyon.Ang hindi nila alam simula nang tumapak sila sa guhit ng hangganan ng lungsod ay nakapasok sila sa isang tagong portal na siyang daan tungo sa nakaraan ng lungsod. Ang tanging paraan upang sila'y makaalis ay alamin ang pumapatay sa mga tao at puksain ito. Kapag hindi nila nagawa bago ang bilog na buwan ng pulang dagat, sila ay mamamatay at habang buhay nang 'di makababalik.