Mataas ang pangarap ni Raymond, kung kaya't naging bato ang puso niya sa tinatawag na pag-ibig. Pusong bato na ninais niyang taglayin ng mga business partners niya at ng kapatid niyang si Laarni kung aya't hinihigpitan niya ito. Pero isang babae ang nagturo kay Laarni na maging suwail sa kanya. Si Therese, na sa una palang pagkakita ay kinaaasaran na niya at pinagisipan ng masama. Pero bakit nagugulo ata ang puso niya ng isang babaeng burara at bad influence?. Hate na hate niya ito at wala siyang makitang magandang katangian nito maliban sa mukha at katawan. Pero how come na iniisip niya ito gabi-gabi?.