Isang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang katapusan. Ngunit kapalit pala ng kalayaan at kapayapaang inaasam ng lahat ay ang sarili niyang buhay. Handa niya bang isakripisyo ang kaniyang sariling buhay alang-alang sa mga minamahal niya at sa mga umaasa sa kaniya? O mas pipiliin na lamang niyang mamuhay nang normal malayo sa mundong talagang kinabibilangan niya? Tatakasan ba niya ang kaniyang kapalaran o buong tapang niya itong haharapin at buong puso niyang tatanggapin ang kapalit ng kalayaan at kapayapaang hinahangad ng lahat?