"If this is really what they call destiny, I won't question it anymore. I'm willing to accept it with all my heart, knowing the fact that it is you who is destined for me." Ang akala ni Eley ay okay naman sila ng kanyang fiancé kaya hindi talaga niya inaasahan ang pakikipaghiwalay nito sa kanya. Devastated and brokenhearted, she tried to move on. At nakatulong sa hangarin niyang iyon ang pagpasok sa buhay niya ng guwapong si Ross. Hindi mapakali ang puso ni Eley kapag nasa malapit lang si Ross. Umiibig na nga uli siya. At mukhang hindi naman siya mabibigo sa ikalawang pagkakataon dahil pareho sila ni Ross ng nararamdaman.