Anong gagawin mo kung ibabagsak ka ng Professor mo kung di ka sasali sa competition na inirequired sayo? Sasali ka ba? Ako, wala naman sanang problema na sumali. Given na yung, syempre kakabahan ka pero i-partner ka sa lalaking napakalaki ng ulo at ang kapal kapal ng mukha ang feeling masyado kala mo magaling kumanta(Well, magaling naman talaga sya kumanta) pero kailangan niya bang ipagyabang? nakaka irita sya ha! Oh well, wala akong choice. Masyadong strict si Daddy. *sigh* And Axel is too handsome for his own good. He is so talented. hindi ko alam pero bakit parang ang natural lang ng wave ng hair niya. nakakaasar mas silky pa tingnan kesa sa akin. This will be a very exciting competition. YAY! (Note the sarcasm) Basahin para malaman kung anong nangyari sa competition at nagbago ang buhay ko.