May mga bagay talaga na kaya tayong baguhin, kung ano tayo noon at kung ano tayo ngayon. Samantha Villamor, isang babaeng nagkaroon ng isang bangungut sa kanyang buhay na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan. Ito ang bumago sa kanya, at ito rin ang dahilan kung bakit ayaw niyang magmahal at magkaroon ng kaibigan muli. Pero paano kung biglang may dumating na lalake sa buhay niya? Mapapaibig kaya siya nito? Minsan, ang mga hindi natin inaasahan ang siyang dumadating. Ito na nga ba ang expect the unexpected na mangyayari sa buhay ni Sam?