Inaamin ko. Isa akong bully. Oo pero dati yon nung bata pa ako. Naimpluwensiyahan na rin kasi ng kapitbahay ko na isa ring bully. Lalaki siya at ako naman ay babae. Lagi kaming magkalaro at magkasabay sa pagpasok noon sa school. Kami lagi ang pasimuno ng bully sa mga kaklase namin. Isa sa kinaiinisan namin ay ang sikat naming kaklase. Siya kasi ang pinakagusto dahil na rin siguro sa panlabas niyang anyo. Kaya simula noon, araw araw na naming ginugulo ang buhay niya. Nag pustahan kami ng kaibigan ko na mapaiyak siya sa harap ng mga kaklase namin. Sa huli, ako ang nag tagumpay. "Huhuhuhuhu!" "HAHA!! IYAKIN!!!!! MICHA!"
Detail lengkap