54 parts Complete [Daddy Series 1]:
Book 1 of 2 ng Daddy? Published na po under LIB. Php129.75
Book 2 of 2 is also published already. Please do support. Thank you!
[This is the unedited version. Sorry for the typos, grammar corrections and jeje sound effects&emoticons.] 17. Incoming freshman sa college. Tinagurian akong "Badboy" sa academy. Matino ako, pero kapag ginago, humanda ka, makikita mo ang impyerno. Playboy daw kahit hindi naman, kasi nga habulin ng mga "babae". Take note, "babae" hindi "chicks", matino nga kasi ako. Hindi naman sisiw ang mga babae para tawaging chicks diba?
Stick-to-one ata 'to, at saka may girlfriend ako, na mahal na mahal ko. Heartthrob din daw ako, at yun ang hinding-hindi ko itatanggi dahil gwapo naman talaga ako. Mayabang ba? Hindi, nagsasabi lang ng totoo. At pinakahuli sa lahat, ayaw na ayaw ko sa mga bata, nakakairita. Basta nakakairita. PERIOD.
Pero isang araw, may nangyari..
Sa isang iglap, nagbago ang lahat..
Sa isang iglap, iniwan ako ng girlfriend ko.
Sa isang iglap.. BOOM! Daddy na ako?
Ako? Ako si Daniel Jimenez.