Si Andrei lang yata ang kilala ni Mariel na isang certified playboy na certified one hundred percent virgin. Kakaiba talaga ang best friend niya. Isusuko lang daw nito ang sarili sa babaeng gusto nitong makasama habang-buhay. Isang araw ay ibinalita nito sa kanya na natagpuan na nito ang babaeng iyon. Hindi siya makapaniwala na walang iba iyon kundi siya. Pero paano kung saktan at iwan lang din siya nito? Sasabihin pa ba niya rito ang matagal na niyang sekreto? [Published by Precious Pages Corporation, under Precious Hearts Romances (PHR) imprint, August 25, 2010]