Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR]
  • Reads 65,973
  • Votes 1,135
  • Parts 11
  • Reads 65,973
  • Votes 1,135
  • Parts 11
Complete, First published Dec 09, 2017
"I know my heart won't learn to love anymore because it will only beat for one person. And that person is standing in front of me now. It's you."

Lihim nang iniibig ni James si Celine mula pa noong nasa high school sila. Dahil likas na mahiyain at torpe ay hindi niya nagawang ipagtapat ang tunay na nararamdaman niya para dito. Hanggang sa naging nobyo na nito ang lalaking noon pa nito minamahal. Umalis siya nang hindi nagpapaalam dito. Maraming taon na ang lumipas nang muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Nalaman niyang matagal na itong nakipaghiwalay sa nobyo nito. Ayon dito, bumalik ito dahil na-realize nitong siya talaga ang mahal nito. Sa wakas ay nakapagtapat na siya rito at naging magkasintahan sila. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa puso niya. Wala na siyang mahihiling pa. Ngunit saglit lang pala ang kaligayahang iyon-dahil parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang isang araw ay makita niyang kayakap nito ang dati nitong nobyo.

[Published by Precious Pages Corporation, under Precious Hearts Romances (PHR) imprint, January 2011]
All Rights Reserved
Sign up to add Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR] to your library and receive updates
or
#519phr
Content Guidelines
You may also like
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia by MarshaMiguel_PHR
13 parts Complete
Malakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin. Pinipwesto niya sa gilid ng simbahan ang dalang payong, silya, at tablang nagta-transform into instant mesa. Doon niya hinihintay ang kaniyang susunod na mabobola - este magagabayan tungo sa magandang kapalaran. Buhay na buhay ang Plaza Miranda. Ang mga snatchers, mapagmatyag. Ang mga dumadaan ay alisto. Ang mga sidewalk vendors ay humahapit. Hyper ang mga tao sa paligid, kaya naman spotted agad ni Lia kung sino ang lalapitan para alukin ng kaniyang serbisyo... ang mga tulad ni Macoy. Lumabas si Macoy mula sa simbahan na lugmok sa kawalan ng pagasa. 'Natutulog ba ang Diyos? Wala ba talagang forever?' Yan ang tema ng dasal ng binata sa Poong Nazareno. Hindi siya deboto. Nanghihingi lang ng saklolo. Lia and her tarot cards came to the rescue. Ramdam niya ang good vibes na dala ni Macoy. Kumikitang kabuhayan ang bawat prediction niya sa rich kid na buwenas namang nagkakatotoo. To the highest level din ang namumuong romantic energy na nakikita niya sa aura ng binata. Ayun lang. Kung minsan, lumalabo ring kausap ang kaniyang bolang kristal. Hindi naman pala kay Lia nakatuon ang energy, kundi sa exgf nito at first love na si Jackie. Kaya tuwing titingin ang dalaga sa mga stars, hindi niya maiwasan ang mainis. Bakit ba kasi hindi tugma ang mga zodiac signs nila? Haayy, ang dapat sa kaniya, mag-move on. Pero walang balak si Lia na gawin iyon. Para saan pa? Huli na. Mahal na niya ang mokong, kahit nuknukan ito ng manhid. Kaya sa ngalang ng pag-ibig, harangan man ng swerte, susugal na siya. Makikipagbunong-braso si Lia sa tadhana ni Macoy.
You may also like
Slide 1 of 10
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books) cover
Mismatch With The Playboy cover
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia cover
Ruling The Last Section (Season 1) cover
My Princess [Published under PHR] cover
Jackpot In Love (Published under PHR) cover
Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published) cover
A Reason To Live (Completed/Unedited Version/ Published) cover
The Unperfect Match cover
Tasting the sweet Forbidden  cover

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)

54 parts Complete

Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more? *** May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam. Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit. Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana. Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga? Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon. Disclaimer: This story is written in Taglish.