Ako daw ang pinaka importante sa kanya, di niya nga daw alam kung anong gagawin niya pag nawala ako, masarap pakinggan pero bestfriend lang ako, "BESTFRIEND". taga-bigay ng advice, kasama sa kalokohan, karamay sa problema ... yun lang ang trabaho ko bilang best friend niya. kadiri nga para sa isang lalaking katulad ko ang sabihing "bestfriend" pang-bakla pero sige kung yun ba talaga ako para sa kanya... Pero di ba sana wala akong nakikitang karatulang friendzone sa paligid ko pag kasama siya? Nakakawala ng lakas ng loob. Ayoko na mag-stick sa "The next best thing" niya gagawa ako ng paraan para maging "The best thing" niya.