Hindi madaling mamuhay mag-isa. Pero mas mahirap mamuhay pag di mo kilala ang kasama mong ubod ng tahimik. Si Liza ay labimpitong taong gulang. Mabait, matulungin, maalalahanin, masayahin at masipag. Sa katunayan nga'y working student siya. Malayo sya sa kanyang pamilya dahil sa probinsya nag-aral si Liza. At dahil dito'y nangungupahan lang sya isang maliit na apartment. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may dalawang lalaking manghihimasok sa bahay nya... At lalong-lalo na sa buhay nya. Samahan nyo si Liza sa kanyang love story Under One Roof.