Reincarnated as a Beast Tamer
91 parts Ongoing "Alam mo 'yung pakiramdam na parang galit sa'yo 'yung mundo? Hindi sa nagdadrama ako, pero seryoso, ang hirap, masakit. Parang binuhos sa'yo lahat ng kamalasan.
Yung mababangis na hayop, kaya kong paamuhin o kontrolin, pero sa tadhana at 'yung nakaukit sa buhay ko... wala akong magawa...Hay...
Pero hindi sapat ang mga 'yon para magalit ako sa mundo, baka naman kasi espesyal lang akong nilalang. Kung kailangan ko saluhin ang kamalasan ng iba, siguro ikasasaya ko pa. Nand'yan naman si Lass eh, makasama ko lang ang lalaking 'yon, wala na akong problema.
'Wag lang siya paglaruan ng tadhana... baka 'yun pa ang maging dahilan para magalit ako sa mundo."