Ako si Enid, isa lang naman ang nais ko sa buhay at iyon ay ang aking kalayaan. Kalayaang i-enjoy ang mga natitirang panahon para mabuhay, mag-travel sa Korea kasama ang nag-iisa kong kaibigan at mag-mahal ng lalaking kamukha ni Daniel Padilla. Pero anong gagawin ko kung isang araw, magising na lamang ako na nasa katawan na ng ibang tao? At ang malupit pa dito, sa katawan ng babaeng matagal ko ng hinahangaan, sa katawan ng isang sikat na artista. Oh my goodness! Fangirl goals!
1 part