Nang mawala ang lahat ng mayroon si Hestia, pinili na lamang niyang iwan ang bayan na kinalakihan niya, ang bayan na nagpapa-alala ng mga masasayang araw na magkakasama sila, kahit mahirap at isang kahid isang tuka lamang ang pamilya niya, ay masasabi niyang maswerte parin siya sapagkat ano pa nga ba ang hihilingin niya kung napagkalooban naman siya ng magpagmahal na pamilya? Subalit , ang bayan rin na ito ang nagpapa-alala ng mga mapapait na karanasan na sa buong buhay niya ay hindi niya inakala na kanyang mararanasan. Ngayong pinili niya ang magpakalayo-layo at subukan ang panibagong mundong kanyang gagalawan, ano kaya ang naghihintay sakanya? Tama kaya ang desisyong pinili niya? O magsisilbi rin itong isang bangungot sa buhay niya?