Namulat si Alexa Padilla sa isang pamilyang puno ng paninidigan at prinsipyo. Ang kanyang ama at ang apat niyang kapatid na lalaki ay mga sundalo kaya mula pagkabata ay tinuruan na syang maging matapang at malakas ng mga ito. Dahil namatay ang kanyang ina noong sya'y ipinangangak pa lamang, naging mahirap para sa kanya na mag-aayos at kumilos bilang isang babae. "Alex" kung syay tawagin ng karamihan dahil sa pagkilos nito na parang lalaki din. Iniisip ng mga tao sa kanila na sya ay isang tibo o tomboy. Hindi naman ito naging mahirap sa kanya dahil parang gusto rin ng kanyang ama na siya ay maging tibo. Dumating ang panahon na kinakailangan niyang lumayo sa kanyang pamilya upang mag-aral sa kolehiyo. Ayaw man ng kanyang ama na siya ay mapalayo, wala na itong nagawa dahil ayaw niya na siya ang maging dahilan para hindi maabot ni Alex ang pangarap na maging doktor balang araw. Kaya binigay niya ang lahat ng kanyang suporta kay Alex. Hindi naman naging mahirap kay Alex na mag-adjust sa college kasi hindi naman siya palakaibigan noong highschool pa siya. Kaya ayos lang sa kanya na mag-isa siya. Pero ano kaya ang pweding mangyari kapag makita niya ang taong magpapabago sa kanya? Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag maramdaman niya ang Love? "Ano nga kaya ang mangyayari sa akin?" --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- DabdaBestAll Rights Reserved