I am lost. So loooost. Mentally. Emotionally. Physically. Oo! Physically! Literal akong nawawala! Natulog ako sa isang silid na may ilaw, bintana, kabinet at komportableng kama tapos magigising ako sa gubat? SA GUBAT! SA ENCHANTED FOREST! Katabi ko yung mga tuyong dahon at napapaligiran ng green este yellow. Basta puno! Ang sarap ng sikat ng araw. Ang mga ibong tila umaawit. Ang simoy ng hangin. Para akong nasa isang mundong walang bahid ng kahit na anong masamang hangin at magulong siyudad. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap balik balikan at gawing bakasyunan. Kasoooo.... Nag iisa ako. Naririto ako sa isang kakaibang daigdig o ano mang henerasyon na hindi sa akin naaayon. Wala rin ditong bahid ng kahit sinong katulad ko. Ang utak ko ay punong puno ng kaguluhan ngunit isa ang nasisiguro ko. Hindi ito isang bakasyunan at maaaring ako ay hindi na maka alis kailan man. NASAAN BA KASI AKO?! ---- Isang dalagang magulo ang buhok at gumegewang na naglalakad mula sa hilaga. Isang binatang seryosong tinatahak ang daan mula sa kanluran. "Nasan ba kasi ak---teka bakit parang may stars akong nakikita? Amaziing." Ang isa'y nawawala "I won't go back to that hell anymore. Maybe I could just die today." At isang gusto nalang mawala. Isang itim at isang puti. *Hoy author! Brown ako, brown!* *Oo na manahimik ka. Gumagawa ako ng story description diba?* Lets get back to the story. Magkaibang mundo at magkaibang pananaw nang biglang.... "Aray!" "Holy sh--" Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong segundong nagkatitigan. "Anak ng-- Sino ka?!" "Crap! Who are you?!" --- Ano ang maaaring kalabasan? Ng pagtatagpong hindi inaasahan. Landas na hindi ang tadhana ang gumawa. Isang pagkakamaling nagdulot ng napakalaking pagbabago. Dalawang magkaibang siglo, may posibilidad nga bang magkasundo kahit pa ang mundo ay napaka gulo.All Rights Reserved