Walang hinangad si llysa Veron nang kahit anong bagay na kayang punan ng pera, materyal at popularity. Kundi isang tunay na pagmamahal na kayang pag-isahin ang isang nagmamahalan.
Hindi siya naghangad ng komplikadong buhay yung magulo at maraming didikta sa iyo.Pero sadya ngang mapagloko ang tadhana para sa kanya, dahil nakilala niya si Mayor Zaid Nosevaj ang batang Mayor sa kanilang bayan. Mayaman, kilala halos ng lahat at ubod nang kakisigan, alam niya sa sarili na kahit mag-asawa sila sa harap ng Diyos hindi parin siya ang babaeng nararapat rito dahil hindi deserve ng binata ang kagaya niya. Ang karapat rapat rito ay yun babaeng mayaman, kilala, at maganda.
Masakit para sa kanya na wala man lang siya sa mga nabanggit, nasasaktan siya sa katotohanang pinakasalan lamang siya ng batang Mayor dahil sa kapatid nito at galit siya sa sarili dahil mahal niya ito ng sobra.