A World Of Our Own (BoyxBoy)
43 parts Complete MaturePara kay Greg, ang bangungot ng kanyang nakaraan ang siyang naging dahilan para isarado niya ang kanyang puso. Puso na ngayo'y natutulog at nakahimlay dahil sa sakit na kanyang natamo mula sa dating niyang kasintahan. Dating kasintahan na labis niyang minahal at pinaglaanan ng matinding oras at panahon.
Pero paano kung may taong dumating at magbigay ng rason para muling buksan at gisingin ang natutulog niyang puso? Taong ipaglalaban ka sa mapangmatang lipunan. Taong magpaparamdam ng totoo at tapat na pagmamahal na kahit kailan ay hindi matutumbasan nino man.
May muling babalik, may hahadlang, may tututol sa dalawang lalaking nagmamahalan. Ngunit makakaya kaya nilang lampasan ang mapaglarong tadhana? Paano kung malaman niya ang totoong katauhan ng taong natutunan na niyang mahalin? Kasusuklaman niya din ba ito katulad ng pagkamuhi niya sa mga taong nagdulot sa kanya poot at paghihinagpis?
Magkaiba man ng mundong pinanggalingan, mananaig pa din ang pag-ibig at walang hanggang pagmamahalan.