Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako ang tadhana? Oo tama ang binasa mo. Ako nga ang tadhana. Nagtatrabaho ako bilang normal na tao sa mundo. Pero may ilang mga tao na gustong baguhin ang tadhana.. At ang mga nakatadhana sa kanila... Kaya naman nagulo ang Book of Soulmates... At ang misyon ko ngayon, ay hanapin ang mga makukulit na taong iyon, ibigay sa kanila ang tadhana nila sa kanila, at ihanda sila sa matatanggap nilang parusa.