Falling For Mr. Pa-fall By Celestine Phr "Magpa-tattoo kaya ako ng pangalan mo? Para tuwing naghuhubad ako, alam na nila kung sino ang nagmamay-ari sa 'kin." Kailangan ni Christine ng male model para sa ipipinta niyang nude painting na pagbabasehan ng kanyang final grade. At isa lang ang pumayag magmodelo para sa kanya: si Adam, ang ultimate hottie sa campus. Sigurado siyang perfect model ang lalaki dahil nakita niya mismo ang magandang katawan nito noong Oblation Run. Pero may hinihinging tatlong kondisyon si Adam: 1. Bawal ang audience sa painting sessions nila. 2. Isang oras lang ang ilalaan ni Adam para sa pagpo-pose sa kanya. Hectic daw kasi ang schedule nito. 3. Halik ang ibabayad niya kay Adam-na ike-claim nito tuwing matatapos ang bawat painting session nila. Desperada na si Christine kaya napilitan siyang pumayag. Sisiguruhin na lang niyang hindi siya mai-in love kay Adam. Hindi naman siguro siya mahihirapan dahil hindi siya ang tipong madaling ma-fall sa mga playboy na kagaya nito. Pero hindi nagtagal, na-realize niya na ang kilig, mahirap palang pigilan. Sa katunayan, excited siya sa halik ni Adam sa bawat pagtatapos ng painting session nila...All Rights Reserved