Paano mag-move on kung hindi naman naging kayo? Tanong iyon ni Champagne sa sarili pagkatapos i-give up ang ten years of unrequited love para sa best friend na si Kingston. Ngayong ikakasal na ang binata, lalayas na siya sa malungkot na mundo ng mga na-friend zone at maghahanap ng ibang lalaking mas deserving sa kanyang pagmamahal. The problem was, she did not want someone else. She wanted someone exactly like Kingston. Kaya gumawa siya ng ad kung saan maghahanap siya ng lalaking puwedeng pumalit sa puwesto ni Kingston na personification ng salitang 'Mr. Perfect.' Enter James Grande, the annoying 'applicant' who resembled Kingston in so many ways. Guwapo rin ito at successful, pero may kulang. So, she did what she thought was the best solution: teach James how to act, dress, and speak like Kingston. Siyempre, hindi masaya si James na maging carbon copy ng ibang lalaki. Mali raw iyon. "Paano ba ang tamang proseso ng pagmo-move on?" desperadong tanong ni Champagne. "Puwede kitang tulungan," alok ni James. Ilabas na ang pen at notepad. Magsisimula na ang lesson sa #MovingOn.
36 parts