75 Parte Kumpleto MatureSa gitna ng pandemya noong 2020, habang naka-lockdown ang buong mundo at ang tanging libangan ng karamihan ay Tiktok, nabuo ang isang kakaibang koneksyon-isang virtual na pamilya. Si Solemn Coleen Salford, isang masayahing dalaga, ay nakatagpo ng mga kaibigang tila itinadhana sa isang simpleng RP (roleplay) group. Sa gitna ng tawanan, kulitan, at kwentuhan sa GC, nabuo ang unbreakable friendship na lampas sa virtual world.
Ngunit hindi lang pagkakaibigan ang matatagpuan ni Solemn. Sa kanyang paglalakbay online, nakilala niya si Sebastian-isang lalaking misteryoso, suplado, at tila may sariling mundo. Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan at kasungitan, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa. Nagkaroon sila ng relasyon na punong-puno ng kilig at saya... sa loob ng pitong buwan.
Hanggang isang araw, bigla na lang siyang nawala.
Parang bula.
Walang paalam. Walang bakas.
Sa pag-ikot ng panahon at pagbabalik ng mga alaala, mahahanap kaya ni Solemn ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkawala ni Sebastian? O mananatili na lang itong tanong na walang sagot?
Isang kwento ng pagkakaibigan, pagmamahalan, at pagtuklas ng katotohanan-sa panahon ng lockdown, may mga pusong sa wakas ay natagpuan din ang isa't isa.
[TRUE STORY]