"Happy first day of your death, Misis Montelibano. Your outfit suits for this occasion," sarkastikong bulong ni Alexander bago tuluyang lumayo sa kanyang mukha. Ramdam pa niya ang nakakalokong tingin sa kanya ng lalaki, marahil ay mula ulo hanggang paa siya pinasadahan ng mga mata nitong halata ang pagkadisgusto sa kanyang kausotan. Kahit sino sigurong groom ay 'di gugustuhin na animo nagluluksa ang kanilang bride dahil sa itim na wedding dress. Lihim siyang nagbunyi sa reaksyon ng asawa, nagtagumpay man ang mga magulang na ipakasal siya dito pero hindi siya makakapayag na magkamabutihan sila. "Welcome to hell, "Misis ko"," batid niyang .may kasamang pagbabanta ang huling tinuran ni Alexander. Nakatitiyak siyang hindi magiging madali ang pagsasama nilang mag-asawa. Sila na magkaiba ng bansang pinagmulan na may kanya-kanyang kultura at magkasalungat na relihiyong nakagisnan.
43 parts