"Naitala ang nilalamang danas na iniempake sa mga kahon ng pag-aasam at pag-asa..." - Dr. Reuel Molina Aguila Daig ng kahit anong bigat ng isang balikbayan box ang damdamin ng bawat OFW, at ang pamilyang naiwan sa kani-kanilang mga tahanan. Sa patnugot ni Jack A. Alvarez, sa librong ito naisakahon upang maiparating ang mga mumunting karanasan ng saya at takot sa pagsisimula, ang pag-iisa at pangungulila, ang pighati at pagbabakasali, at higit sa lahat ang pagkakaisa at pagtatagumpay ng ating mga bagong bayani sa ibayong dagat. Hindi kailanman malilimot ang kani-kanilang mga kuwento. Patuloy na pupukaw sa ating mga pandama at magbabalik-bayan sa ating mga puso. PRE-ORDER NA. Ariba! https://shopee.ph/Saanman-Mga-Kuwento-Mula-Biyahe-Bagahe-at-Balikbayan-Box-i.19696628.755006246