"Ang gusto kong matanggap ngayong pasko ay ikaw." Ang pasko ay ang panahon ng pagbibigayan, ang panahon ng pagtanggap ng regalo at pwede ring ang panahon ng pagmamahalan! Sa pasko, ano ba ang mas gusto mo? Ang makatanggap ng materyal na regalo o ang pag-iibigang matagal mo ng gusto? Si Pamela, isang simpleng babae na may simpleng gusto, at iyon ay walang iba kung hindi ang mabunot ang crush niya sa exchange gift nila para mabigyan niya ito ng regalo at upang mapansin na siya nito. Pero paano kung mas maganda pa ang matatanggap niya bukod dito? Tunghayan natin ang nakakakilig niyang kwento as she spread love and feel the love this Christmas! ❤❤❤🎄 ©K.P. Gajelomo
More details